IT o Comsci?
May 25, 2007Ilang buwan na rin ang nakalipas since nung mapagdesisyunan ko at mapagisipan ko na magshishift na nga ako ng course tapos ilang buwan rin ng pagpupuyat ang inilaan ko para lang pag-isipan ng mabuti kung aalis na nga ba ko ng Peyups at yun na nga napagdesisyunan ko na ngang umalis at iwan na ang UP kong mahal. Kamaikalan lang ay kinuha ko na yung aking TOR o transcript of records. Dalawang taon din ang itinagal ko sa unibersidad. Marami akong mamimiss sa UP kabilang na dito ang kapaligiran, yung mga pagkain at syempre yung mga tao. Ayoko na munang isa-isahin kung anu-ano o sinu-sino yung mga mamimiss ko sa up dahil baka bumaha ng luha at kaemohan sa blog entry na to.
Madami ang nagtatanong kung bakit daw ba gusto magshift ng course. Ang madalas kong sinasagot eh dahil “walang future sa course ko” na gawa gawa ko lang naman dahil ang totoo eh sa lahat ng kurso may kinabukasan, may opportunity. Sabi nga nila, “wala sa course yan, nasa tao yan, ikaw ang gagawa ng kinabukasan mo “. Isa pang kadahilanan kung bakit gusto ko magshift ng kurso ay dahil sa nahihirapan akong magpaliwanag kapag tinatanong ako ng mga tao lalo na yung mga kamaganak ko kung ano bang kurso ang kinukuha ko…
- Scenario 1 (matandang kamag-anak)
kamag-anak: Iha, anung course mo?
Ako: ah eh.. Human Eco po.
kamag-anak: *kunot noo* ano yun? tungkol san yun?
Ako: (idedefine lang ang Human Ecology) Ang Human Ecology po ay yun po yung relationship ng human between their natural and social environment. Pinagaaralan po namin yun.
kamag-anak: O tapos, ano nga yun? Ano ngang meron dun? Ano namang mapapala mo sa pag-aaral nun?
Ako: (isip ng matagal, sasagot ng nonsense na sagot) ah eh…Human Ecologist po.
Kamag-anak: Ano kamo?
Ako: Ah kase po ganito po yun…may tatlo po kaming majors which is Family Dev..(titingin sa kamaganak, si kamaganak eh naghihikab na)…Ah sa totoo po nyan eh masyado po kaseng general yung Human Eco..kaya pede po kami kahit san, Actually po eh Pre-med at Pre law po yun. Pede po akong magabogado o di naman kaya eh doktor.
kamaganak: Nakow, iha por syur titser rin lang ang bagsak mo nyan, wala kang kinabukasan diyan, kung ako sa yo eh magnanarsing na lang ako, yayaman ka agad dun.
Ako: ngiti lang..(blood pressure: 200/100 mmhg)
————
- Scenario 2 (bagong kakilalang nursing student na kaedad ko na hindi tagayupi)
Nursing student: uy tin, ano nga palang course mo?
Ako: BS Human Ecology
Nursing student: Uy, bago yun ah. Ano yun?
Ako: Basta Pre-law yun at Pre-med, pede kaming mag abogado o kaya doktor, kung hindi naman eh malamang sa government agencies kami magtatrabaho pagkagraduate.
NS: government? (tonong nadidiri) talaga? owww…in demand ba yan sa abroad?
Ako: Di ko alam eh.
NS: ay ganun? kase ako pagkagraduate eh fly agad ako abroad masyado kase kaming in demand sa abroad eh.
Ako: *roll eyes* ganun ba? o sige pakasaya ka dun ha…hinaan ko muna yung aircon lakas eh.
Nursing student: *lingon sa likod* san yung aircon?
<a true to life story>
Pangalawa sa kadahilanan kung bakit gusto ko magshift ay dahil sa hindi ko naiimagine ang sarili ko 10 years from now na masayang nagtatrabaho sa field ng Human Ecology. para sa akin masasabi mo lang sa sarili mo na masaya ka sa kursong kinukuha mo kung maiimagine mo ang sarili mo na siyang-siya sa pagttrabaho gamit ang tinapos na kurso. Halimbawa kung ikaw ay isang Comsci graduate, makikita mo ang iyong sarili na papetikspetiks lang sa pagpprogram kung graduate ka naman ng medisina maiimagine mo ang sarili mo na masayang nanggagamot may bayad man o wala.
At ang ikatlong dahilan, gusto ko magshift dahil wala akong hilig sa Ecology o sa Human Ecology. At dahil nga hindi ko yun hilig eh nawawalan ako ng gana pagaralan yung mga lessons. Pero sa kabutihang palad kahit na ni minsan hindi ako nagpakita ng dedikasyon sa pagaaral sa mga major subjects ko at kahit na madalas ako magcram eh wala naman akong naibagsak na major. Wala rin naman akong tres, ang pinakamababa ko na ata eh 2.5 pero syempre kunyari importanteng sabihin yun.
Ngayon naman gusto ko ipaliwanag kung bakit ako aalis ng UP at kung bakit mas pinili ko ang ibang kolehiyo na kung tutuusin eh itinuturing ng mga taga UP na “others”. Una gusto kong umalis ng UP dahil gusto kong magsimula ulit. Hindi ako satisfied sa mga grades ko. Gusto kong makagraduate with latin honors. Gusto kong magkalaude. Gusto ko naman maexperience yung mahonor pagkgraduate dahil frustation ko yun simula pa elementary. Hindi sa hindi ako honor, ang totoo nga nyan eh lagi akong honor pero lagi na lang from 1st to 3rd quarter lang, pagdating na ng 4th quarter eh nasisibak ako. Kung pede nga lang sana eh hindi ko ipapacredit yung earned units ko sa UP dito sa bago kong school kaya lang di pede…sayang. Panira kase sa aking “laude dream” eh yung nagiisa kong singko sa Math 11 nung freshie ako. Nag-aral talaga ko sa subject na yun pramis! Yun nga lang ata ang subject na pinapagaralan ko nung sem na yun eh di pa ko pumasa. Ang sinisisi ko talaga kung bakit ako bumagsak dun eh yun instructor ko. Madalas kasi syang bad mood kung pumasok sa klase kaya halos lahat kaming studyante nya eh takot sa kanya, di tuloy kami nakakapagisip ng maayos (palusot, hehe)…pero totoo apektado ako sa mood nya kaya di na ko nagtaka nung may magbigay sa kanya ng singko sa evaluation at hindi ako yun, sa totoo nyan eh mataas ang binigay ko dahil nga takot ako sa kanya. Isa pa palang dahilan yan kung bakit gusto ko magshift. Gusto kong patunayan sa pamilya ko na magaling ako sa Math lalung-lalo na sa kuya ko na madalas akong laitin dahil mahina daw ako sa Math. Di man halata pero masakit para sa akin ang masabihan ng ganun ang masaklap pa dito eh kuya ko pa ang nagsabi sa akin, okey lang sana kung si Einstein eh, pero kuya ko? No way!
Ngayon ang pinoproblema ko makalipas ang tatlong buwan eh kung saan ako magshishift? Sobrang litung-lito na talaga ko kung BS IT o BS CS ang kukunin kong course. Parehong okey sa akin. Pareho ko rin gusto.
BS Computer Science or Information Technology?
Comments/Suggestions will be gladly appreciated.
PBA09p7o1824
Previous Comments
may topak ung nursing s2dent na kausap mo. fly kagad? tingnan lang naten kung makapag-fly nga cya.
mas in demand ata ang IT pero kung ako lang talaga better ang CS haha.. more on programming
software design!
“At ang ikatlong dahilan, gusto ko magshift dahil wala akong hilig sa Ecology o sa Human Ecology.”
mahirap yan sister.. kung di mo gusto, wag… dapat gusto mo yung course mo para alam mo kung saan ko pupunta…
sa balak mong course, sabi mo gusto mo pareho? i-weigh mo lang mabuti… pareho namang ok eh..
kung (petiks) naprogrammer balak mong career, CS yata ayus din… dapat un ang kukunin ko rin eh.. but I settled sa Computer Eng’g.. ganon din naman path ko, at leat Instant Engr ako hehhehe…
Posted by Eli at May 26, 2007, 10:54 amEngineering course ku (freshie) pero di ko tlg lam kung yan b tlg gusto ku! Gusto magcomsci at kung ako tatanungin mo mas maganda comsci. Nyahay! Halos lahat ng pinsan kong babae, anak ng pating nursing sila lahat ung isa hnd nursing pro konekatdo rin sa medical. Laking gulat nga nila na mag0eengineering ako. Hayy eh sa ayaw ko nga eh! Pwede rin nmn ako makapagfly kht di nursing a. In demand ang nursing, pero mahirap pumasa dun sa iba. . . Nakakainis nga eh parang gus2 nila akong pigilan. Hayyy!
COMSCI k n lng kasi sa Singapore ba un? bsta may bansa na nagpapasweldo ng 150, 000/month comsci yan! di ba xoxal!
Posted by eloiski at May 26, 2007, 1:34 pmtin to yo!: tama ba’t ba ang baba ng tingin ng ibang mga pinoy sa mga teacher? kung walang mga teacher pano na? pero ayoko pa rin magteacher dahil di ako magaling magturo baka lalo lang maguluhan yung mga magiging students ko hehe…
tin to arvin: talaga mas in demand ang IT? hmmm..I’ll take note of that.
tin to eli: gusto ko nga rin sana mag coe eh kaya lang 5 years tsaka more on hardware daw dun.
tin to eloiski: I agree! pede din naman tayo magabroad sa course na kinukuha natin ah…sa singapore sobrang in demand ang mga taong nasa IT field tsaka mga engineers kaya mabuhay tayo! hehehe.
Posted by timawa at May 26, 2007, 1:56 pmi had roughly the same problem when i was trying to decide what course to take. i was trying so darn hard to consider many things (my parents’ wishes, funds, location, friends, personal ambition, etc.), i ended up with a compromise that didn’t work out as well as i’d hoped. it’s not really a total loss — just better and worse than i’d expected.
whatever decision you end up with, there’s nothing wrong with being able to improvise or adapt to your current situation. just learn from your mistakes and blaze your own trail
good luck
ganito lng yan sis, kung ano ba ang hilig mo yun ang sundin mo wala naman paki ang ibang tao kasi kapag gusto mo yung ginawa mo tiyak magiging mahusay at aasenso ka, kahit anong course pa yan basta dedicated ka tiyak magiging successful ka. ako i finished BS IT sa Mapua okey naman un nga lang continous learning kasi cyempre laging nauupdate ang technology. Sundin mo ang tibok ng puso mo. hehe
Posted by Rachel at May 27, 2007, 6:10 pmsundin mo ang tibok ng puso mo, kung ano ang hilig mo, kapag interesado ka sa isang bagay tiyak magiging dedicated ka.
Posted by Rachel at May 27, 2007, 6:14 pmI thought IT is a Major under Computer Science?
I think you should base your decision after comparing the subjects offered by the two courses. There you can choose the subjects you like, subjects that are in demand and which are not.
Just my 2 cents..
tintin to shane: Yes I’ll take note of that. Thanks for the comment. Just one problem, I don’t know which or what subjects are in demand.
Posted by timawa at May 27, 2007, 11:49 pmtama ka naman, asa tao yan. ako nga, (hehe gawin bang example ang sarili) food tech talaga course ko, yun first choice ko nung UPCAt pero after isang sem narealize ko na useless ang mag-effort sa kurso na hindi mo gusto, saksakan pa ng hirap at syang papatay sayo. So inisip ko mabuti ang gusto ko gawin sa buhay ko, napagtanto ko (naks lalim) na masyado kong mahal ang “salita” at ang ang kanyang porma, masarap paglaruan eh, masayang gamitan ng istilo. Dahil Member na ako ng Writer’s Club para ma-explore ko ang poetry, ang pagsulat ng script at short stories kaya naisip ko na mgshift sa DevcOm para naman madevelop ko ang technical side of writing. Kaya tama lang na sundin mo ang gusto mo, kahit pa iwan mo ang UP nating mahal. Pero kung comsci ka, sa LB ka na, the best naman COMSC sa atin.
totoo yun. Don’t waste your life looking back on the wrong decisions you made, move on and take risks. You’ll never know what it’s like to be really living your life kung sasayangin mo ang pagkakataon na gawin ang gusto mo sa buhay( hindi naman drugs yan kaya ok lang) hehe. ^__^
Ano bang mas gusto mo? Sabi nga nila ang trabaho hindi talaga trabaho kung gusto mo ang ginagawa mo…
COMSCI ang maisusuggest ko. More of programming yun ata. More of layouting ang IT e. Pero siyempre yun kasi ang preference ko… iba-oba tayo ng gusto.
Saka parang narinig ko sa balita nung isang araw na napakarami nang kumukuha ng IT… kaya yun. kumbaga saturated na yung kurso sa dami ng kumukuha.
Computer Engineering ngapala ako. Pero kung papipiliin ulit, baka nag-comsci na lang ako. Baka lang. Hehe.
Uy, wala pa atang link ang blog ko sa blog mo.
sayang dami mong mamimiss sa peyups. laude? ang habol mo? aww. isang sulat lang yan sa papel? sayang talaga, tsks tsk
Posted by pol at July 18, 2007, 8:12 pmeniwei, ako i.t. graduating next year, dami ng paghihirap pero ung mga paghihirap na un may kapalit na kaginhawaan, dahil alam ko may patutunguhan ung course ko, read some newspapers(classified ads section) & 1 thing base nman sa survey, saka sa mga taong nagcocomment d2.. basta kahit ano sa computer course na un. cge iddiferentiate ko xa aun sa aking knowledge. comsci is more on software designing, ang i.t. nman cla ung mga taong gagamit ng mga software na gnwa ng mga comsci so.. choose!
BY THE WAY..
ung narsing na kaibigan mo bka nga magfly xa kaso d2 lang din sa pilipinas hehehe, manila to cebu, aun sa survey as of now tmataas ng 200% ang nursing student, do they think na makakasabay pa cla sa agos ng mga pangyayari, ang yabang ko noh?! ndi kabwct lang xe, ang hangin eh..
Posted by jamie at February 19, 2008, 9:34 pmto eli and ninong: Hi, tnong lng po…anu po b ms mgnda..com eng o com sci? hirp po mkpgdecide eh…pero ndi nga lng aq kglingan s math.. T_T
Posted by kathrin12 at March 19, 2008, 11:28 pmhi kathrin… well kung ako ttanungin.. kahit di ako ung tinatanung mo.. hehe
aw..1st time kong magbasa ng blog..
at salamat sa blog na to…naliwanagan ako T_T
kasi ang gus2 ng parents ko mag tourism daw ako
eh di naman ako kagwapuhan eh(hehe) tsaka di ako mahilig sa english mga speech bla bla bla..at diba kelangan sa toursim puro communication? panu yun? eh medyo shy pa naman ako T_T
cla ang nag suggest sakin nyang course na yan at oo naman agad ako kasi wala akong mapiling course eh..
pero ngayon napagisip isip ko na (salamat sa blog na to) susundin ko na lang ang gus2 ko..
baka mag comsci na lang ako o kaya I.T
pero anu po ang mas madali CS o I.T??
gus2 ko kasi yung less math eh ^^
@ magulong-buhay : naks naman.. hehe. natutuwa naman ako kase naliwanagan ka dahil sa blog entry na to. ^^
hmmm… tama sundin mo kung anung itinitibok ng puso mo dahil mahirap na.. baka pagsisihan mo pa sa huli kung hindi mo talaga gusto yung kursong kukunin mo.
Well ako masaya naman ako sa kursong kinukuha ko ngayon which is comsci kaya lang madugo talaga. hardcore programming.
Well based on experience advantage kung magaling ka sa logic. It is not necessary that you’re good in math but we have a bunch of math subjects though. Pero kaya naman basta nakikinig sa discussion and laging nagtetake down ng notes. =)
Which is easier.. I can’t tell. hehe.. but I can often observe students shifting from CS to IT or CS to other courses dahil nga mahirap daw. Honestly, ako man nahihirapan sa programming. grrr. hehe. Pero ayus lang enjoy naman. Actually nasa sa yo naman yan kung mahihirapan ka o hindi.
Actually based on observation, halos parehas ang IT and CS, both would let you gain knowledge about computers and stuff. Would teach you Programming Languages like C, C++, Java, etc. IT would tackle more about webpage development. Pero during my 1st year as CS tinuruan din naman kami about web page dev’t. like using xhtml, CSS and Javascript. Matututunan rin naman daw yun as we go along kahit we’re not IT students.
I think CS focuses more on the software part of the computer while computer engineering is on the hardware. Ang IT ay both… meaning mas general ang IT compared to CS. In my own opinion mas maganda kung may specialization ka. If you want to have specialization (e.g. programming) go for CS.
Sabi naman nila la daw yun sa course na kukunin mo, kasi in the end what matters is what you know and what you can do, not the course that you’ve taken. Ang pagbabasihan sa huli eh kung anung kaya mong gawin at kung panu mo mahihigitan yung kaya rin gawin ng iba.
Yung kapatid ng classmate ko dun sa company kung san sya nagttrabaho, mga kasama nya IT, CS grads at may mga EE at ECE din pero pare pareho lang sila ng trabaho — programmers.
Basta as long as you follow your heart and you’re happy… kaya mo yan kahit anung course pa yan. Good Luck. ^^
Posted by timawa at May 2, 2008, 1:11 amwaw!! thnx po ulit sa payo T_T (kaka touch naman)
yan i made my decision na ^^ I.T na lang ako..
mas gus2 ko kasi ang mga html,css at javascripts kesa sa maraming programing ^^
geh salamat po..
bukas sasabihin ko sa mama ko “MA..AYOKO NG MAG TOURISM,I.T NA LANG KUKUNIN KO”
-hehe
grabe!! salamt po talaga sayu at sa blog mo..
Posted by magulong-buhay at May 3, 2008, 12:08 amhi tin.. I just read ur blog entry while trying to google on BS Human Ecology.
I’m kinda bias on this but I’m a graduate of BS Human Ecology..
I graduated cumlaude and major ko Human Settlements Planning. Honestly, I also felt ur sentiments at first. Sooooper pareho tau ng experience at sagot whenever people asked me about my course. Pero sa umpisa lang yan.. Once u started ur major courses, you’ll eventually realize kung san ka tlga papunta.. As you said, masyadong broad ang context ng human ecology.
Ano nga ba talaga trabaho ng isang human ecology graduate? I’m not really sure for other major but Human Settlements Planning is a good take-off point in the field of Urban Planner. There’s a lot of consultancy firms here practicing environmental planner. There’s a lot of challenging opportunities talaga. Sa singil ng isang consultancy firm just for a single project naman. ahem ahem.. I’ve heard of plans around 200k to 17M just for a plan and of course mind exercise. haha. If you’re familiar with ADB, you can see na isa sa mga in-demand dun ang urban planner. Even abroad, town planners earn around 100-200k a month minimum pa yan
.
As for me, nag-enrol ako sa UP Diliman School of Urban and Regional Planning after graduation. I’m a full time student and almost done with my Master’s degree (comprehensive exam na lang). Now, I’m reviewing for the board exam. haha.. Alam mo bang may board exam for Environmental Planner? Pag pumasa ka, may EnP na nkakabit sa pangalan mo. hehe~
I know this comment is quite lengthy already, I’m not persuading you to continue your degree. Nanghihinayang lang ako kasi you have your slot already. Imagine all the people who wanted to enter UP.
Still, your passion should prevail pa din.. Try comparing the course syllabus of IT and ComSci kung un tlga gus2 mo. or check the classified ads para makita mo kung ano ang mas in-demand. Sana sa UP campus ka pa din lumipat.. you’ll feel the advantage and edge after graduation.
Sana may naitulong ako sau..
Hi there! yap! I am a CS IT student haha, I also thought that it’s kinda funny, well kasali naman ang school namin sa mga schools na CENTER for EXCELLENCE kaya kampante na rin ako…
Well nasa iyo talaga ang decision, kung magaling ka sa math at ibang klase ang logical thinking mo, then go for programming.
and you are right! masaya at hindi kahirapan ang html at ang CSS pero ibang usapan na kung pagagawin ka ng 500 pages na code. right again?
Also, tama rin yung isang nagcomment na malaki talaga ang kita ng comsci but…. wala kang mapapala kung di ka kagalingan…
Mayron ding isang nagcomment na more on hardware ang COE at software naman ang comsci. Actually samin devided into 2 fields ang comsci, isa sa software at isa sa networking, well mas mahirap syempre ang programming hehe.
yun lang hope naliwanagan ka kasi naging problem ko rin yan, at never naging biro ang pag shishift, specially sa mga taong may pangarap na atat abutin…
hehe that’s all, may god bless and guide you…
helo! haha. napadpad lang ako dito. yan din problem ko 7months ago.. it or com sci.. now.. com sci student ako.. first year pa lang.. and i planned na mag shift sa i.t. dahil sa napakababaw na dahilan na ayoko sa mga blockmates ko.. haha.. kaso may isang magkaiba na subject ngaung sem.. and ayoko magsayang ng pera.. so com sci na lang? hehe.. nag eenjoy naman ako.. programming.. labet.
Posted by sab at July 19, 2008, 8:46 pm..hay!!!
buti na lng d aq pumayag pumasok s up!!!nag-take din aq upcat, bs agri-business lng npasa q s up los banyos..pinag-isipan q rin mtagal un, pero d aq tlga pumayag..anu un mgtatanim at magti2nda ng palay??
..taz nag-decide me mg-nursing,..sobra na tlga dami ng nurse ngaun..1st year 1st sem lng aq s nursing sa fatima…twing mag-u2wian nun, napa2isip aq…”ito ba yung mga mag-nu2rsing??”..sb q, ang konti lng ng hospital sa mundo, pero ang dami dami ng nurse??!!..naisip q tuloy na d n mag-de2mand nursing balang araw…sa Sulu pwede pa cguro!!demand tlga dun!!
…den napaisip aq, since, hi-tech na tao ngaun, mag-IT na lng aq…
..pwede na rin kcng magkaroon ng robot na nurse, robot na doktor, robot na attorney..as in world of robots in the future!!!
..kya un..nag-it aq..
..ok nman xa..mrami ring programming subjects,..
…kc pag-comsci lam q zan mrmi tlga math…mas mhrap ang math ng comsci kysa it..
….kng gud k s math pwede k rin mag-com sci,..kng d mxado.,
..it k nlng,..
ahhh mgcompscie ka mascomplicated at sobra mahirap kaysa i.t. cs kc more on prog. ahm developing a softwares and ang i.t more on web design…. I.T kc ako ehh wla pa shift2 rin ako ng course dating Comp Eng.. tpos lipat ng I.T. hehehe… nga pla ganda ng mga story mo ah… nata2wa ako… pde add mo ako sa fs japee david name ko hehehe bye
Posted by jp at October 3, 2008, 11:39 amuy alam mo ba dapat jan din ako sa UPLB mag-aaral dati at BS Human Ecology din ung papasukin kong course kaso naisip q nga nung mga panahon na un ang nursing kaya di nq nagpatuloy pumasok sa UP.may 2 pa aq kasama na ganun din ang papasukan. tumuloy sila pero aq nagnursing nlng talaga.sa ngayon maraming what ifs sa akin na sana sa UP nlng aq na-aral tapos nagshift nlng aq kung halimbawa di q nagustuhan pero ayos narin naman kasi nung grumaduate aq ng nursing e cum laude naman aq kaya ok narin siguro.
Posted by frustrated_UPstudent at November 28, 2008, 1:01 pm@f.u: naks naman. i think you made a right choice. goodluck on your nursing career.
Posted by tin.timawa at November 28, 2008, 7:53 pmdaming nagreply!
dahil hindi naman ganun kagaling ang school na kung saan ako nag-aaral ngaun pero magaling naman ako hahaha!!!
kung hilig mo lang eh mangulikot ng pc softwares at maging bihasa sa troubleshooting IT ka…
kung gusto mo gumawa ng softwares at mabuang sa dami ng math katulad ngaun lecheng mga math yan pero i love math eh… hahaha!!! CS ka!
kung in terms kung gaano kadali… lahat ng course mahirap!
pero mas madali mag IT kesa sa CS
ang major mo kasi kadalasan sa CS software engineering… aun aun kaya nosebleed ka dun kapag mahina ka…
pero kung mga hindi naman sadsaran na programming IT ka…
dahil ako ay CS masaya magCS kasi nakakabaliw xa… at natutuwa ako kasi dami kong natutunan…
kung gusto mo maghardware based com-eng ka… isa lang ata programming nila dun tawag assembly language programming….
pero pinagaaralan din ang assembly sa CS kaya madugo din xa pero para sa akin exciting xa…
mga trabaho para sa CS marami din actually in terms ng trabaho mas madali makukuha ang mga IT pero mas maraming klase ng available na trabaho sa CS!!!
note that lahat ng trabaho ng IT pede sa CS pero hindi lahat ng trabaho ng CS pede sa IT…
kaya astig ang mga CS!!!
saka na sa specialization din yan… kung specialize ka for example sa web design pede ka rin sa ibang fields… kung CS ka… kung IT ka ewan ko lang kung pede pero more or less pede din…
kung may violent reaction dyan xenxa ha hindi ako ganun kagaling katulad nyo hehe…
pero un i therefore conclude if you like it go for CS!!!
mas marami ka dun oppurtunity… un ay kung kakayanin mo….
nasa sayo din un… lahat ng course mahirap!
kung matiyaga ka may hard boiled egg ka…
cgeh korny eh…
bye…
Posted by mr. [R] at December 18, 2008, 9:53 pmtin to mr.[R]: Hehe matagal na itong post na to. I’m actually already in my 2nd year as a Comsci student. Tama lahat ng sinabi mo. Yep I chose cs over IT and yes you’re right that it’s hell bloody.
Posted by timawa at December 18, 2008, 10:38 pmIf I.T cover nya lahat pati nga wire tapping eh, much better ang COMSCI. Ako nga nagtake ng BS EDUCATION major in COMED three years din ako dun after that nagshift nako sa COMSCI, kaya lang syempre iba parin kapag may lisensya ka na nakapasa ka sa board. Sabi nga ng professor ko ang totoong mga professional ay yung mga board passer.
Posted by TATEK at August 5, 2009, 9:41 pmAdd a comment
About Me
Name: Tin Cura
Twenteen year old teenage mutant ninja turtle. She's bummed around the perception of life being so unfair. She can be extremely emo and random at times . Now on her 3rd year as a computer science student. She' a gadget/techie freak but can't afford to buy one. more about me? click here
tweet
Latest Comments
- issay: ayos! hahaha! 375? kala ko 100 lang.....
- DavidsonDeirdre29: People deserve wealthy life and personal loans...
- AshleyJEWEL22: That is well known that cash can...
- personal loans: I received 1 st loan when I...
- NicholeWhitney: All people deserve very good life and...
- VangEmilia34: I received 1 st loans when I...
- runescape money: rs gold runescape gold runescape money...
Most Popular
- Bob Ong (7985)
- Postal ID. (3473)
- GTO: Great Teacher Onizuka (2903)
- On Global Warming… (1772)
- IT o Comsci? (1660)












narsing pala eh. paslangin! XD tulad ng sabi ng kaibigan ko, iba kasi ang pagpapahalaga ng pinoy sa natural sciences kumpara sa social sciences. kaya pag engg ka *ehem ehem*yayaman ka, etc. pero pag anthro ka, “eh?ano yun? (kamot ulo)*, tulad na lamang ng sinabi mo *turo sa taas*. at anong masama sa pagiging teacher?
: inaaway na lang ng mga tao ang mga guro. gusto ko maging guro! ok. i digress.
mag-IT ka na lang. ^_^ yun lang pala sasabihin ko. haha.
Posted by yo! at May 25, 2007, 9:11 am