Rivotril.
June 1, 2008
Kanina pinainom ko ng gamot si papa. Wala naman syang malalang sakit or anything actually sa tingin mo mas maayos ang status ng katawan nya ngayon kesa dati dahil dati diagnosed sya with an unidentified kidney sickness… unidentified dahil hindi maidentify ng mga doktor kung anung tunay nyang saket or yung tunay na dahilan kung bakit biglang bigla ang pagkapayat ng tatay ko basta ang sabi lang nila there’s something wrong with my dad’s kidney daw. Umabot kami sa point na halos wala na kami makain dahil sa pagbili ng mga gamot constant chekups at kung anu anu pa. Hanggang nagsawa na kami sa mga inconsistent na pahayag ng iba’t ibang doktor at hinayaan muna namin yung sakit ni papa since yung pamamayat lang naman nya ang problema pero xempre we’re still not giving things up… nagaalala pa rin kami kay papa.
Matagal tagal na rin ang nakalipas simula non. Ngayon, nagpacheckup ulit sya nagpa xray and all… pero iba na ang statement ng ‘mga’ doktor, stress lang daw at sobrang kakaisip ng mga problema ang dahilan kung bakit namamayat si papa. ngayon since umayos ayos na kahit papano yung katawan ng tatay ko ang ginagawa na lang namin is proper maintenance nung health nya and constant check up pa rin. We let him drink apple juice everyday (An apple a day keeps the docto away.) tsaka syempre vitamins (Myra 400 E, Fern C Ascorbic Acid).
Ngayon anung pinoproblema ko? Ang problema ko ako yung nagaasikaso ng mga gamot ni papa tsaka yung pagpapainom sa kanya ng mga gamot Tsk. tsk. dapat kase si ate eh sya kaya yung nurse, Comsci ako mas magaling ako sa pagbibigay maintenance sa pc. hehe. Anyway, problem is dun sa last chek up nya eto yung mga nireseta sa kanya nung doktor at mejo nababagabag ako sa mga nireseta nya sa tatay ko:
1.) Norfloxacin (Antibiotic)
- ayon kay bestfriend google ang Norfloxacin ay prescribed sa may mga urinary tract infections. Iba daw to sa antibiotic na prescribed sa may mga sipon at lagnat. Feeling ko napilitang lang to iprescribe nung doktor knowing na ang previous findings kay papa dati nung ibang doktor ay unidentified kidney sickness something. hmp. Kung ako lang masusunod di ko hahayaang bilhin to ng mga magulang ko kasi… ewan parang di ko lang feel tong gamot na to. 32 pesos isang tablet (400mg).
Note: Kelangang bawasan o limitahan ang paginom or pagkain ng caffeine enriched products like cola, coffee, chocolates or kung anu pa man kapag uminom ka ng Norfloxacin dahil ang Norfloxacin ay nagiincrease ng nervousness, sleeplessness, heart pounding, and anxiety caused by caffeine.
2.) Appebon w/ Iron (Vitamins)
- ayon kay bestfriend google appetite stimulant daw ang Appebon. Weight Gain tablet. Dun pa lang sa stament na yan mejo nadisturb na ko. Bakit naman kelangan ni papa ng appetite stimulant eh masyado naman syang magana kumain. Wala naman syang problema sa pagkain. Tingin ko nireseta lang yan ng doktor kase sinabi ni papa sa kanya na malaki ang pinayat nya. Kaya siguro akala nung doktor humina kumain si papa kaya sya namayat. Ang masasabi ko lang - Lame. 18 pesos per tablet (500mg).
at ang huling inireseta ng doktor and at the same time ang pinakaikinakabagabag ng aking isipan,
3.) RIVOTRIL (Clonazepam)
- puspusan ko talagang niresearch ang gamot na to kase napagalaman kong hindi pala ito basta basta ibinebenta sa drugstore. Kelangan talaga may prescription sa doktor at hindi ka makakabili nito basta basta kung wala ka sa hustong edad kase ang inutusan ng tatay ko na bumili nito eh yung pinsan ko kaya lang hindi sya pinagbilhan dahil kelangan daw ng ID. It only means one thing, hindi ito basta bastang gamot.
At sa aking pagreresearch I’ve found out na ‘it can be used to regulate the activity of nerves’. So mainly ang epekto ng gamot nito ay sa utak. Ito palang gamot na to ay pampakalma. Prescribed sa mga epileptic at merong anxiety slash depression slash paranoia slash etc. problems. Maaari rin itong pampatulog so kahanay sya ng mga sleeping pills. Ang nakaktakot ito ay isang klase ng gamot na maaaring maging addictive para sa iinom nito. Marming side-effects like
- Drowsiness
- Confusion
- Muscle weakness
- Restlessness
- Dizziness
- Shaky movements and unsteady walk (ataxia)
- Concentration difficulties
- Decreased co-ordination
- Loss of memory following an epileptic seizure (anterograde amnesia)
- Drowsiness
- Confusion
- Muscle weakness
- Restlessness
- Dizziness
- Shaky movements and unsteady walk (ataxia)
- Concentration difficulties
- Decreased co-ordination
- Loss of memory following an epileptic seizure (anterograde amnesia)
Nakakatakot naman pala itong gamot na to. Ang tanung ko bakit kelangang itong ipanom sa tatay ko? Anung meron? Bakit sya kelangang pakalmahin?! Oo, sabi sa ibang findings masyadong nagiisip si papa kaya sya namamayat. Stressed. Oh eh bakit kelangan pa ng pampakalma o pampatulog? Ano ba wala na bang ibang maireseta yung doktor?!
Tsk.
Nakakaloko talaga yung doktor na nagreseta nito.
Previous Comments
e kung hindi b nman tarantado yang doktor na yan.. lakas ng loob magreseta.. hindi naman ma-identify ang sakit..gago!.. may saket nga sa kidney tpos papainumin ng kung anu anog gamot.. e d mas mahihirapan kidney niyang magfilter ng drug metabolites.. uy! coment lang ha.. sa tingin ko hindi maganda na bigyan siya ng encapsulated vitamin c.. ang daily ascorbic acid content ng tao e 40mg lng.. ang laman ng bawat isang capsule ng fern c ay 500mg… dude! iiihi lang yan ng tatay mo… tanong mo pa sa kanya.. yellowish ang ihi niya pag umiinom sya ng vit c.. puro ascorbic acid laman nun..pa-analyze mo pa.. at saka kung tama yung doktor na nasa kidney ang problema ni dady mo.. mas maganda kung babawasan nyo ung load ng kidney nia sa pamamagitan ng hindi pag inom ng vit c.. mag kalamansi juice na lang kayu.. punta ka palengke may stand ako dun.. bili ka ha.. hehe
Posted by pototoy at August 4, 2008, 7:34 pmdi mo ba alam umiinum din ako ng rivotril
kasi may anxiety disorder daw ako sabi
ng doctor ko yun nga natatakot din
akong inumin yun yung rivotril kasi
marami ngang talagang side effect
bata pa kasi ako
dapat kaya inumin ko yun?
Mas mabuting painumin mo sa tatay mo
mag vitamin c siya dahil nakakapagpakalma
kasi ito at nakakabawas din ng stress at
sabihin mo rin sa kanya ang da best
para laban daw ang anxiety ay mag exercise
always
Hi po!!! Nephrologist ba ang doctor ng papa mo sa kidney? before kasi umiihi ako with blood trace sa urine despite the fact na normal ang citiscan ko at creatinine until I undergone Kidney Biopsy and they ruled out na maay acute nepritis ako hindi siya naman siya life threatening as compared sa mga chronic diseases…
sa case ng papa mo…psychological factor may contribute sa physical health ng doctor mo… kasi kung ok naman ang lahat ng lab.. ng papa mo why not to seek pshychiartist.. I have anxiety disorder and may doctor prescribeed me rivotral together with effexor and it really sucked… na kakabangag at mahal ang price… so payo ko lang punta ka sa psychiatrist kung lahat naman ng physical labaratoires are normal… sa U.P magaling ang doctor wala pang bayad kasi kapag private libo ang bayad..
Hi,
I’ve been taking Rivotril for 5 months now. I have been diagnosed with Anxiety Disorder and Mild Depression. So far everything is ok. Rivotril helped me a lot because I had trouble sleeping for 6 months, 3months before and 3 months after I was diagnosed.
Lahat naman ng drugs may side effect and the Doctor will not prescribe the drug if he does not think it will help your father. If you have problems with a particular drug PLEASE always ask the Doctor what it is for and ask the side effects so you are well informed.
I hope you and your father are doing well
Posted by babaenaantala at July 16, 2009, 2:17 amhi a ko pala c vince tga surigao laht tlaga ng drugs ay may side effect yung prang kala mo di makkatung but magling pra sa mga may skit sa kidney actually ako may skt din ako sa kidney ang ginawa q consult 2 a doctor din mariming gamot at rnista piro may producto akong nabili natural lang wla halong chemical at king of herbs pa! at tsaka lng gumling aq kht lala na dxn company pla yung compony na may produkting para sa kidey deses
Posted by vince at August 21, 2009, 4:09 pmhay naku yan din ang iniinom ko 1/4 sa isang araw sa loob ng pitong taon. di ko matigil kase tanga mga doctor paikotikot lang kami sa gamutan. depress daw ako kaya kailangan ko ng anti depressant at pampakalma(rivotril). pag ok na ihihinto ang lahat ng gamot. paghininto ang gamot babalik ang sintomas. tapos sasabihin bumalik ang depression kaya inom ule. hanggang pitong taon ko na palang ginagawa yan. nagresearch ako at napagalaman ko na withdrawal ng rivotril ang nararamdaman ko. kailangan ko lang itigil ng dahan dahan ang rivotril, yun lang ang gamot don. kaso sa sobrang katangahan ng mga doctor na nagmamagaling at hindi nagiisip puro reseta lang ng reseta ng di nila nalalaman kung san talaga nanggagaling ang sakit. di nila alam na kaya ako depress at nininerbyos dahil hinahanap ko ang rivotril. kaya sasabihin nila agad na depress ka may anxiety ka kailangan mo ng anti depressant at pampakalma. pagkalmado at di ka na depress akala nila ok na kaya ipapatigil na. pagtumigil ka na madedepress ka ule kase naadik ka na sa gamot. hanggang paikotikot na lang kayo habangbuhay. ang dapat na ginagamot ay yung adiksyon at hindi depression. kaya kapag ang papa mo naadik dyan sigurado sasabihin ng doctor depress ang papa mo kahit hindi at reresetahan ka ng anti depressant. maraming klase ng antidepressant at lahat yun trial and error hanggang matumbok nya kung anong gamot ang babagay sa kanya. sa loob ng pitong taon ng paghahanap at papalitpalit ng doctor ng gamot wala pang anti-depressant na bumagay sakin. kase hindi naman ako depress. ako ay biktima ng maling pagreseta ng mga bobong doctor na hindi nagiisip hanggang sa maadik ako sa rivotril na yan.
Posted by brai at May 8, 2010, 11:54 pmhi mikko. kung iinom ka nyan siguraduhin mong kaya mong ihinto. kase ang doctor kung ano ang nakitang sintomas yun ang ginagamot. ibigsabihin pag may lagnat ka bibigyan ka ng paracetamol. pero di nila gagamutin kung san at bakit ka nilalagnat. ganyan katanga ang psychiatrist. pag ninerbyos ka bibigyan ka ng pampakalma.ang side effect ng pampakalma ay depression. kaya bibigyan ka ng anti depressant. ang side effect ng anti depressant ay anxiety kaya bibigyan ka ule ng pampakalma. paikotikot lang diba? ganyan kabobo ang mga psychiatrist.
Posted by brai at May 9, 2010, 12:03 amAdd a comment
About Me
Name: Tin Cura
Twenteen year old teenage mutant ninja turtle. She's bummed around the perception of life being so unfair. She can be extremely emo and random at times . Now on her 3rd year as a computer science student. She' a gadget/techie freak but can't afford to buy one. more about me? click here
tweet
Latest Comments
- personal loans: Some time before, I did need to...
- chestnut: The UGG Bailey Button Boots is a...
- chestnut: The UGG Ultra Boots offers comfort and...
- china furniture: Computer Table/Study Desk Computer Table/Study Desk All our wholesale...
- north face winter coats: i have been looking for this information...
- north face coats: One other nice url article. I shared...
- north face outlet: Better to light a candle than to...
Most Popular
- Bob Ong (8970)
- Postal ID. (4337)
- GTO: Great Teacher Onizuka (3102)
- On Global Warming… (2077)
- IT o Comsci? (1881)















hello. salamat sa pagdalaw sa tagboard ko.
Posted by nanaybelen at June 4, 2008, 9:55 pmSad naman may sakit ang papa mo. Baka naman pwede na lang ang psychological treatment dyan instead na painomin ng rivotril. Hanga ako sa iyo, ipagpatuloy mo lang ginagawa mo sa papa mo at lagi kang magdasal kay Lord . Diretsahin mo na si Jesus na sya na mismo ang Doctor ng papa mo.Maki-usap ka sa kanya. Ganon ang ginagawa ko pag nagkakasakit ako o kaya mga anak ko.HIndi natutuloy ang sakit namin. Kahit saan ka, sa jeep sa banyo lagi mong kakausapin si Jesus sa isip mo na para bang nasa harap mo lang na nakiki-usap sa kanya. HIndi ka bibiguin. Basta pray ka lagi sa kanya. GOD BLESS.