Unang araw sa iskwela.

June 12, 2008

 

 

walang baon. walang pamasahe.

 

sabi ng nanay ko: “nakapagenroll ka nga, wala ka naman pamasahe papuntang iskul, yan na nga ba ang pinoproblema ko eh, panu ba yan tin bente na lang pera ko dito.”

 

 

ako: napatulala. (sabi ko sa sarili :panu kaya ako kakain? paano kaya ako makakarating ng school?.. sana pede na lang magteleport )

 

sabay lakad papalabas. alis na po ako. (pero di ko alam kung pano ko makakarating ng letran sa halagang bente pesos). 

 

habang naglalakad palabas ng gate ng bahay… nagcompute muna ko ng pamasahe:

 

        tricycle papuntang kanto : P7

        jeep papuntang kanto ng letran: P10

        tricycle papasok ng letran: P5

        

        kung magaling ka sa math (kinder math) .. kahit sa pamamagitan lang ng pagtingin sa mga numerong yan mapapansin mo agad na higit yan sa bente pesos.

      

      syempre x2 pa yan kasi pamasahe pa pauwi… di bale na lang kung may busilak ang loob na manlilibre sa kin ng pamasahe paguwi.. pero xempre asa pa ko di ba. 

     

        

         inisip ko ok lang kahit di ako kumain. pero kahit sang sulok ko tignan ang mukha ni manuel l. quezon.. di ko talaga alam kung papaano ko pagkakasyahin  ang bente pesos.

         

 

 

hay naku  sabi na nga ba magiging challenging ang  sem na to eh.

 

first day pa lang may challenge na agad.

 

pero xempre cool lang ako. cool lang dapat.  go go go. kaya ko to. 

 

 

 

 

 

…buti na lang naawa sa akin si ate at pinautang nya ko ng isandaan.. 

 

 

haay buti na lang. thank you Lord. 

 

Posted by timawa at 7:21 pm | permalink

Add a comment