Not my day.

June 18, 2008

This is definitely not my day.

 

  aaargh. Wednesday ngayon. Masaya kase isa lang subject ko pero malungkot kase ampanget ng araw ko. 

 

    Una wala kong baon tapos muntik na ko malate. Tapos di pa ko nagising ng maaga para makausap ang taong gusto ko makausap, di rin tuloy ako nakagawa ng homework, buti na lang nakalimutan nung prof na may homework kami at wala din naman nagpaalala. Tapos mejo nairita pa yung prof sa kin kase di ko naidescribe ng maayos ang itsura ng “Peak two”. Ewan ko ba naman kase kung bakit ko ba naisipan magtaas ng kamay. Asar one hundred times.

   

    Pumunta ko ng library pagkatapos ng klase para  humiram ng libro, napagalitan pa ko ng guard kase bakit daw di ko suot yung ID ko. Hmp. Nakakaasar habang naghahanap pa ko ng libro may naramdaman ako. Ayun na nga ok… parang tawag ng kalikasan na di maintindihan. Ayan tuloy di ako nakapaghanap ng ayos.

 

    Tapos umuwi na ko. 

 

 

    Lesson learned: Huwag pumasok ng walang laman ang tiyan.

 

        OT: paguwi ko ng bahay natuwa ako sa itsura ng kapatid ko…

Posted by timawa at 11:52 am | permalink

Add a comment