My GOALS for this month.

March 3, 2009

 

Photobucket

 

               Ok. Hindi ko alam kung anung nakain ko pero bigla ko na lang naisip na gawin toh. GOALS. wow. that’s new to my vocabulary. (parang elem student lang.. Goal ko na di makaline of 7 sa Hekasi! at Math! Goal ko na makapasa sa exam sa Mapeh. Goal ko na di na malate bukas at sa susunod na bukas. Goal ko na tipirin ang baon ko. Goal ko na di mapagalitan ni Sir Javier!). buti pa nga nung elementary ako marami akong goals kahit na iilan lang yung natutupad. Ewan ko ba kung anung nangyari at biglang nawala yun sa sistema ko. Pero kelangan ko toh ngayon kaya susubukan ko ulit. I badly need this. Napapansin ko na araw araw na lang parang walang sense yung mga pinaggagawa ko. TULOG-GISING-KAIN-WORK-TULOG. Kung minsan nga wala ng kain eh. at lagi pang puyat pero hindi ko alam kung anung pinaggagawa ko. Tuwing gigising ako sa umaga lagi na lang ako napapatanong,

            “Anu nga bang ginawa ko kahapon???”.

 

             Ang saklap, sa short term memory ko lang naiistore lahat ng nangyayari bawat araw. Sabi ng prof ko noon sa Psych, ang mga bagay daw na naiistore sa short-term memory ay yung mga bagay na di mo binibigyan ng pansin o ng importansya kaya daw madali natin itong nakakalimutan. Ibig sabihin bawat araw di importante sa ken. Parang… wala lang kaya di ko maalala. Hanggang sa isang araw kumain ako ng Mentos at nagkaron nga ko ng idea na gawin toh. Kelangan bawat Month or mas maganda everyday may maaccomplish ako. Ayan nilagay ko na sa sidebar para lagi ko makikita, may magreremind sa kin.

 

           Gusto ko na talaga magresign sa trabaho at magkaron ng time sa lahat. Kelangan ko na makaipon. :)

 

Posted by timawa at 7:25 am | permalink

Previous Comments

wahahaha!
salamat sa mentos at naisip mo ang superkaduper gandang ideyang iyown! hakhak!

*make 2 weblayouts..
yung isa para sa akin? ahahaha!
joke lang. XP

PS.
ang cute ng header mo. hakhak! kilig! XD

Posted by batopik at March 3, 2009, 11:25 am

panu ka magkakapera kung ang isa sa mga goal mo e magresign sa trabaho?.. haha!

Posted by conflicting goals at March 3, 2009, 2:19 pm

@conflicting.goals: kelangan ko lang kumita hanggang ngaung March. Naghahapit talaga ko sa pagttrabaho ngayon. Para pagdating ng april. bakasyon grande na. wahahaha.

Posted by timawa at March 3, 2009, 3:18 pm

Ano bang trabaho mo? lols! hehehe Tama yan, dapat lagi kang may goal, kahit madalas hindi matupad. Ang effort pa lang mag-set ng goal ay magandang simulain na at isang patunay na may gusto kang mangyari sa buhay mo. hehehe

Hindi mo pa rin ata na-claim ID mo sa akin? pa-check na lang blogroll.

Posted by Marlon at March 3, 2009, 4:58 pm

@tin

“accumulate” pla.. hehe, hindi “earn”..

Posted by conflicting goals at March 6, 2009, 10:49 pm

^tama :)

Posted by timawa at March 6, 2009, 11:34 pm

Wow! Andami mo nmang goals :)

Posted by monikels at March 9, 2009, 9:25 pm

Add a comment