Para sa tatay ko.

August 23, 2009

Photobucket

 

                      Ewan ko bakit ako masaya ngayon. Pero 4 na oras na yata ko nakangiti. Ngawit na nga yung bibig ko e. Muka na rin akong sira. Buti na lang magisa ko sa kwarto at walang nakakakita sa kin. Wala na ko allowance para sa week na toh. Saktong pamsahe na lang talaga. Pano kase pinamili ko ang tatay ko ng kung ano ano. Naaawa na kase ko kay papa, lagi na lang nagkukukutkot ng kung anu anu sa kusina kaya binili ko sya ng sandamakmak na kutkutin.  Tapos di na rin ata yun nagsshampoo tsaka nagssabon eh, deodorant lang kase wala na kaming shampoot sabon. Kaya bumili na rin ako ng shampoot sabon para sa aming tatlo nila mommy. Mga 3 weeks din siguro tatagal yung mga pinamili ko. Masaya ko kahit na alam kong limang araw akong di magllunch.

 

                    Haha ang sarap ng feeling. Puro kase sarli ko lang iniisip ko these past few decades.

                    Totoo na “Only a life lived for others is worth living”.

                     Naalala ko yung Ghost Town na movie. madownload nga yun.

                      

This will be a great week. :)  

 

Posted by timawa at 11:58 pm | permalink

Previous Comments

sana karmahin ka. ang sweet mo.

Posted by jerico at August 26, 2009, 9:27 pm

:)

Posted by timawa at August 27, 2009, 9:34 am

dear, nakangiti ka mag-isa sa kwarto dahil magaan ang kalooban mo.

yung ginagawa mo para sa magulang mo nakikita ng Diyos yan. hindi ka man maging milyunaryo ngayon, or hindi ka man tumama sa lotto, pagdating ng tamang araw ang blessings mo sik-sik, liglig at umaapaw.

nagbigay ka ng maluwag sa kalooban mo kahit hindi ka kumain ng limang araw para lang makatulong ka sa inyo, bibiyayaan ka rin ng Diyos ng higit pa sa binigay mo.

=)

Posted by chichikulit at October 21, 2009, 11:16 pm

Add a comment