ewan.
November 21, 2009
Ngayon lang ako maglalabas ng sama ng loob tungkol sa yo. Madami ka nagawa noon sa pamilya natin pero wala ka narinig sa kin. sa min ni kuya.mahal ka namin eh. kapatid ka namin.Bilang panganay nirerespeto ka namin. Pero di ka ata natututo. Oo alam ko ako ang bunso.. at wala akong karapatan na pagsalitaan ka kasi ikaw nga ang pinakamatanda. Pero grabe na. Una yung laptop ko nasira mo, sabi mo ipapagawa mo, umasa ko pero di mo naman pinagawa. tapos ngayon eto nanaman yung digicam ko,, ano nasira mo nanaman. Grabe ka na :’(Sobrang ingat na ingat ako sa gamit ko at never ako nagdamot. Never kita pinagramutan. Pero lagi mo na lang nasisira sa tuwing pinapagamit ko sa yo. Tapos ikaw pa may ganang magalit? Sasabihin mo malapit na talaga masira yun at sa yo lang inabot? Grabe I despise you. Tinanung kita kung saan mo ipapagawa, tapos asabhin mo sa kin busy ka? Grabe. Di ko umaastang ganito ng dahil lang sa nasira mo ang mga gamit ko.Nagkakaganito ako kasi you never set an example for me. You never did. Lagi na lang ako kawawa dahil sa yo. :’(
Gusto ko umiyak.
November 12, 2009gusto ko umiyak.. kelangan ko ng balikat na iiyakan. taong mapagsasabihan ko ng problema. mapaglalabasan ng sama ng loob. :’(
kelangang kelangan kita ngayon,, pero wala ka lagi sa mood. Ayoko na rin naman abalahin ka. Iiiyak ko na lang sa unan.
1st day ng second sem.
November 10, 2009Ok ang aga ko naman ata masyado nagising ngayon. 4:40 am pa lang habang tintaype ko toh. Masyado ata ako excited para sa first day ng school? Kinder? hehe. Nagising lang ako kase ang weird ng tilaok ng manok. Parang taong sumisigaw ng “doragon”. anu naman kaya yun?! haha pero pramis yun talaga sinisigaw ng manok, ilang beses ko pinakinggan ng mabuti akala ko nga panaginip ko lang. Dahil masyado ko nawwirduhan sa manok naisip ko na lang na bumangon na.
Sana ok ang sem na to. EDIT. Magiging ok ang sem na to. Think Positive. Kelangan full of positive energy para happy.
help.
November 7, 2009me.
andami daming problema. wala man lang ako mapagsabihan o mapaglabasan ng sama ng loob.
mejo masaya.
November 6, 2009
Mejo masaya ko ngayon. “Masaya” in a sense na ok ang nararamdaman ko. Marami kasi ako nagawa ngaung araw, di katulad nung mga nakalipas na araw na puro ganito:
Kanina naglaba ko na once in a blue moon lang kung mangyari (Siguro mga once or twice a year). Namalengke din ako para sa dinner namin nila mommy. Iba talaga feeling kapag may naaaccomplish ka kahit sobrang simpleng bagay lang kesa dun sa alam mo na napakawalang kwenta ng araw mo dahil wala ka nagawa. Sana mapadalas yung ganito ako - maraming naaccomplish.
Bukas maaga ko gigising. Gusto ko ulit ipagluto sina mommy at papa. Gusto ko bumawi sa kanila. para sa mga araw na napakwalang kwenta kong anak, para sa mga araw na wala akong silbi, para sa mga araw na tulog lang ako magdamag o naglalaro lang ng plants vs. zombies. Babawi ako.

Masaya rin pala ko kase ok na yung shuffle ko. Yey! Akala ko sira na talaga sya. buti tnry ko ulit. hehe.Tsaka wala din ako bagsak ngayong sem, may isa lang line of 7, major pa. tsk. Pero ok lang at least ok pa din naman GWA ko.
Pero kahit na mejo masaya ko, may kulang pa rin eh.
Miss na kita.
About Me
Name: Tin Cura
Twenteen year old teenage mutant ninja turtle. She's bummed around the perception of life being so unfair. She can be extremely emo and random at times . Now on her 3rd year as a computer science student. She' a gadget/techie freak but can't afford to buy one. more about me? click here
tweet
Latest Comments
- personal loans: Some time before, I did need to...
- chestnut: The UGG Bailey Button Boots is a...
- chestnut: The UGG Ultra Boots offers comfort and...
- china furniture: Computer Table/Study Desk Computer Table/Study Desk All our wholesale...
- north face winter coats: i have been looking for this information...
- north face coats: One other nice url article. I shared...
- north face outlet: Better to light a candle than to...
Most Popular
- Bob Ong (8969)
- Postal ID. (4336)
- GTO: Great Teacher Onizuka (3101)
- On Global Warming… (2076)
- IT o Comsci? (1880)














